Sino Si Maria Odulo De Guzman
Sino si MARIA ODULO DE GUZMAN
Answer:
Si Maria Odulio de Guzman ay isang guro, edukadora, punong-guro, manunulat, at may-akda. Siya ang unang babaeng prinsipal ng isang mataas o sekundaryang paaralan sa Pilipinas. Naging guro siya sa Mataas na Paaralan ng Nueva Ecija sa Pilipinas mula 1918 hanggang 1928. Nakapag-aral siya mula sa Dalubhasaan ng Guro ng Estado ng Radford sa Virgina, Estados Unidos. Dati rin siyang isang propesora sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas.Sumulat din siya ng mga talahuluganan ng magkakatambal na mga wikang Tagalog, Pilipino, Filipino, Ingles, at Kastila. Isa rin siyang tagapagsalinwika ng Noli me Tangere ni Jose Rizal, at kasamang tagapagsalinwika rin ng El filibusterismo, isa pang nobela ni Rizal.
Comments
Post a Comment